Bilang ng mga naiturok na COVID-19 vaccine sa buong mundo, pumalo sa mahigit 5-bilyon

Pumalo na sa mahigit 5-bilyon ang bilang ng anti-COVID-19 vaccine na naiturok sa buong mundo base sa tally na kinalap ng isang international news agency mula sa iba’t-ibang official sources.

Base sa datos ay inabot ng 140 araw para makumpleto ang first billion shots, habang ang third, fourth at fifth billion shots ay inabot ng 26-30 araw.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ipinunto ng Agence France-Presse na halos 40 percent o 1.96-billion ng 5-billion shots ay naiturok sa China.

Kasama rin sa listahan ng mga bansa na may pinakamaraming bilang ng COVID-19 doses na naipamahagi ang India na nagtala ng 589-million shots at U.S. na may 383-million.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala, nagawa naman ng United Arab Emirates na mabakunahan ang 75% ng populasyon nito na pinakamataas na sa lahat ng mga bansa na may mahigit 1-milyong populasyon.