Mga nabigyan ng Safety Seal Certification sa bansa, umabot na sa mahigit 21,000- Usec Vizmonte

Umabot na sa 21,676 ang naaprubahan ng DTI, DOLE, DILG, DOTr at Local Government Unit na aplikasyon ng mga business establishment at government offices sa bansa upang mabigyan ng safety seal certification.

Ito ang inihayag ni Usec. Ireneo Vizmonte ng Department of Trade and Industry.

Aniya, mula sa 5,210 na natanggap na aplikasyon ng DTI ay 4,294 na dito ang sumailalim sa inspeksyon kung saan umabot na sa 3,169 ang naaprubahang mga establishimento.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Habang ang DOTr ay may naaprubahan nang 780; 251 naman sa DOLE; 4,578 sa DILG at pumalo na sa 12,898 naman sa LGU partikular sa National Capital Region.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Binigyang diin ni Usec. Vizmonte ang importansya ng kooperasyon ng mga LGU sa bansa para sa implementasyon ng naturang programa.

Tiniyak naman niya  na nakahanda ang mga Regional at Provincial Offices ng DTI para sa monitoring sa patuloy na pagsunod  ng mga establishimentong nabigyan na ng safety seal sa mga umiiral na public health standards.