Mga nahuling walang suot na facemask at faceshield sa Olongapo, obligadong magbayad ng multa

Maoobligang magbayad ng multa sa city government ang marami sa mga residenteng nahuling walang suot na facemask at faceshield.

Ito ay dahil iniutos ng local inter-agency task force sa mga barangay, city treasurer’s office at police stations na obligahing magbayad ng multa ang mga nahuli bago makakuha ng clearances.

Read More:  Pedestrian killed in alleged Cebu City street race; Driver flees

Matatandaan, may mga residente ng lungsod ang naisyuhan ng citation ticket noong Sabado sa biglaang operation ng mga pulis sa halos lahat ng barangay.

Read More:  Drug peddler arrested, P1M marijuana seized in Davao City

Base sa ordinansa, community service o isanlibong piso ang babayaran sa unang paglabag, 3-thousand pesos sa ikalawa at limang libong piso naman sa ikatlong paglabag.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of fruit and text