Pampang Provincial Government, namigay ng gamot sa bawat barangay sa lalawigan

Nagsimula nang mamahagi ang Pampanga Provincial Government ng mga gamot at vitamins bilang bahagi ng bagong programa ni Governor Dennis “Delta” Pineda na “Gamot sa barangay para sa mga may sintomas ng COVID-19.”

Nasa 1,265 pakete ng gamot at vitamins ang ibinaba para sa 27 na mga barangay sa lungsod ng Mabalacat, habang 517 naman para sa munisipalidad ng Magalang.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Inisyal na naglaan ang Pamahalaan ng supply ng gamot at vitamins para sa dalawang porsyento ng populasyon sa bawat barangay.

Ayon kay Governor Dennis “Delta” Pineda, layon ng programa na mabigyan ng paunang lunas ang mga pasyente habang sila ay naghihintay na masuri ng mga health professional, at ma-admit sa mga ospital na ngayo’y halos puno dahil sa biglaang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa virus.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say