PNP, nakapagtala ng 132 bagong kaso ng COVID-19

Umabot na sa 33,303 personnels ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19. 

Ito ang kinumpirma sa isang Facebook post ng PNP matapos na makapagtala ng 132 na panibagong kaso ang hanay.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Batay sa kanilang datos as of August 21, walang naitalang namatay ang organisasyon kung kaya’t nananatili sa 99 ang bilang ng mga fatalities sa kanilang tanggapan.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Umakyat naman sa 31,391 ang naitalang recoveries ng tanggapan matapos makapagtala ng 86 bagong nakarekober na mula sa sakit. 

Sa kasalukuyan, may 1,813 na aktibong kaso pa ng COVID-19 ang organisasyon.