8 anyos na bata sa Puerto Princesa , pinutolan umano ng daliri

Desidido ang magulang ng isang walong taong gulang na batang babae na matukoy at mapanagot ang suspek na pumutol ng daliri sa kanilang anak.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM ay inilahad ni Merlyn Alicos, ina ng bata na pinutulan ng daliri  sa  Sitio Tagbarungis  Brgy. Inagawan- Sub, Puerto Princesa City ang sinapit ng kanyang anak nitong August 19 ng tanghali matapos na putulin umano ang isang daliri ng kanyang anak.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon kay Gng. Merlyn ina ng bata, mag isa lamang sa kanilang bahay ang kanyang anak nang mangayri ang insidente.

Kwento ng anak nito, isang malaking lalaki na nakasuot ng kulay itim na damit at nakabalot ang mukha ang pumasok sa kanilang bahay at hinahanap ang ama ng bata.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Sinabi ng kanyang anak na wala sa kanilang bahay ang ama nito at sinabihan pa umano na sinungaling ang biktima ng suspek bago ito pinutolan umano ng daliri.