Mga quarry operators sa Pampanga, nagbigay ng medikal na tulong sa Pamahalaang Panlalawigan

Nagbigay ng nasa 300 oxygen tank ang mga quarry operators sa Porac, Floridablanca, Mabalacat at Sacobia bilang tulong sa Pampanga Provincial Government.

Ang mga ito ay ay nagkakahalaga umano ng nasa humigit kumulang dalawang milyong piso.

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

Ayon kay Governor Dennis Pineda, ang mga donasoyn na oxygen tanks ay idadagdag sa mga provincial at 10 district hospitals sa lalawigan kasama ang tatlong malalaking isolation facilities at ilang hotels kung saan nagpapagaling ang may mild at moderate symptoms ng COVID-19.

Read More:  Appliance center manager robbed at gunpoint in Davao City

Una na rin umanong nakapagbigay ang mga ito ng medical supplies at dalawang ambulansya sa Pamahalaang Panlalawigan.