Mga kwarto para sa severe, critical at covid-19 suspect na pasyente sa James Gordon Hospital sa Olongapo, punuan na

Punuan na ang mga kwarto ng James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo para sa mga covid-19 suspect, severe at critical na pasyente.

Ito ang dahilan kung bakit malabo pang bumaba ang alert level ng ospital matapos mapasama sa listahan ng Department of Health na pumasok sa alert level 4 o punuan ang mga ICU beds.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Hospital Chief Dr.Jewel Manuel, okupado na ng dalawamput pitong severe at critical na covid19 positive ang ICU beds ng pagamutan at ang mga bagong dating ay kailangang manatili muna sa pangangalaga ng ER triage.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pangamba ni Manuel, kapag napuno na rin maging ang triage ay mapipilitan ang ospital na palipatin sa ibang pagamutan ang mga bagong pasyente.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text