Senador Go, kinilala ang pag-aksyon ng DOH sa direktiba ni pangulong Duterte na iprayoridad ang benepisyo para sa health workers

Kinilala ni Senador Bong Go ang Department of Health (DOH) sa pag-aksyon sa direktiba ni Pangulong Rodlrigo Duterte na iprayoridad ang benepisyo para sa mga health workers at sa mga hakbang nito sa pangunguna sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos na tiyakin ni Health Secretary Francisco Duque na vine-verify na nila ang concerns na di pa nababayaran ang ilang public health frontliners.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Hinimok ni Go ang DOH na manatiling focused sa tungkulin  sa kabila ng mga kritisismong natanggap at buo pa rin umano ang tiwala nya at ng pangulo sa ahensya dahil ang DOH ang nakakalam kung paano malabanan ang pandemya.

Dahil dito, nakiusap ang senador sa mga kasamahan sa gobyerno na suportahan ang DOH at iba pang nagtatrabaho para maitawid ang bansa mula sa health crisis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag ng senador, pinaghirapan ng mga mambabatas na maipasa ang Bayanihan 2 Law na nagbibigay ng allowances sa health workers.

Mababatid na naging agresibo si Go sa pagsusulong ng interes at proteksyon ng mga medical frontliners at naging tagumpay pa sa kanyang apela para sa libreng COVID-19 testing, personal protective equipment, hazard pay, at special risk allowances ng healthcare workers noong simula ng outbreak.