Implementasyon ng mahigpit na restriction sa Pampanga, extended hanggang katapusan ng Agosto

Extended hanggang sa katapusan ng Agosto ang paghihigpit na ipinatutupad sa Pampanga, sa ilalim ng executive order number 17.

Sa bisa ng inilabas kahapon na executive 17-A ni Pampanga governor Dennis Pineda, naka saad na magtatagal ang paghihigpit hanggang August 31.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ito ay para mapigilan pa rin ang pagkalat ng virus lalo na ang Delta at Lambda variant.

Kaya naman asahan na iiral pa rin ang curfew mula alas dyes hanggang alas singko ng umaga.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Liquor ban, barangay at boundary checkpoint, pati na ang paghihigpit sa mga nais makapasok sa lalawigan.