Mga Pinoy sa Afghanistan, humiling ng repatriation sa gov’t. sa gitna ng kaguluhan

Nakikiusap ang mahigit 90 Pilipino sa Afghanistan sa gobyerno na magsagawa ng repatriation efforts sa gitna ng pagtake-over ng Taliban sa middle-eastern country.

Nitong weekend, nagdeklara ang gobyerno ng Alert Level 4 na nag-uutos ng mandatory evacuation nang pasukin ng Islamist militants ang capital nitong Kabul.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 130 Pilipino sa Afghanistan, 32 ang nakasama sa flight na lumapag na sa Doha, Qatar.

Sinabi na rin ng Palasyo na may inaayos na ring repatriation program para sa mga Pilipino dahil sa nangyayaring gulo roon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Mababatid na libu-libong Afghans at mga dayuhan ang dumagsa sa paliparan at sinusubukang makasakay sa mga eroplano paalis ng bansa.

Nasa limang katao na ang naitalang nasawi dahil sa gulo habang napabalita namang umalis ng bansa si Afghan President Ashraf Ghani.