Suns muling nakapasok sa NBA playoffs matapos ang 11-taon

Matapos ang 11-taon muling sasabak sa NBA playoffs ang Phoenix Suns matapos talunin ang Los Angeles Clippers,109-101.

Pinangunahan ni veteran point guard Chris Paul ang panalo matapos humakot ng 28 puntos.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Nagdagdag naman si Devin Booker ng 21 points para tuluyang ibaon ang Clippers.

Hawak ng Sun ang no. 2 ranking sa Western Conference standing na may 44-18 win-loss record.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Ang panalo sa Clippers ang nagbigay garantiya sa Suns para sa playoff berth.

Huling pumasok sa NBA playoffs ang Phoenix noon pang 2010 sa pangunguna ni Steve Nash at Amar’e Stoudamire.(LEY BAGUIO)