PH, nagtala ng 14,749 bagong COVID-19 infections; Active cases, pumalo na sa 102,748

Nakapagtala ng 14,749 bagong COVID-19 infections ang Pilipinas ngayong Linggo, dahilan para pumalo na sa 102,748 ang active cases. 

Ito ang ikalawang sunod na araw na mahigit 14,000 bagong cases ang naitala sa bansa. 

Read More:  Marcos arrives in india for BRICS Summit

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa bagong cases, pumalo na ang total COVID-19 case count sa 1,741,616. 

Sa 102,748 active cases, 95.9 percent ang mild, 1.1 percent ang asymptomatic, 0.93 percent ang moderate, at 0.8 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  San Fernando, Tolentino clash over P85 wage hike

Samantala, tumaas naman ang total recoveries sa 1,608,528 matapos na gumaling na ang 10,720 pang pasyente mula sa nakamamatay na sakit. 

Umakyat naman na sa 30,340 ang death toll matapos maitala ang 270 bagong fatalities.