Bilang ng Delta variant cases sa bansa, pumalo na ng 627

Pumalo na sa  627  ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Ayon sa Department of HEalth (DOH), 144 sa bagong kaso ay local cases, tatlo ang returning overseas Filipinos at 30 ay kasalukuyang kinokompirma pa.

Ang mga local cases ay mula sa NCR (90 cases), CALABARZON (25 cases), Cagayan Valley (16 cases), Ilocos Region (8 cases), CAR (2 cases), Western Visayas (2 cases), at Davao Region (1 case).

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sinabi ng DOH na 173 sa mga kasong ito ang naka-rekober na, isa ang namatay, at ang status ng tatlong iba pang pasyente ay patuloy pa ring vineverify.

Samantala, nakapagtala din ang DOH ng mga bagong kaso ng ibang variant sa bansa. May 102 bagong kaso ng Alpha variant, 59 sa Beta, at 14 naman sa P.3 variant.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Sa kabuuan, mayroong 2,195 Alpha cases at 2,421 Beta cases sa Pilipinas.

Sinabi rin ng DOH na ang epekto ng pagpapatupad ng ECQ medyo matagal bago ito maranasan sa kasalukyang case statistics at ang patuloy na pagtaas ng mg bilang ay maaari pa ring maasahan sa darating na mga araw.