Carlos Yulo, aminadong may pagsisi sa kaniyang performance sa men’s vault finals

Aminado ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo na nagkaroon siya ng pagsisisi sa kaniyang peformance sa men’s vault finals ng Tokyo Olympics.

Ito ay matapos umabot ang kaniyang score sa 14.716 na 0.067 lamang ang diperensya mula sa score ng gold medalist at South Korean representative na si Jeahwan Shin.

Iginiit ni Yulo na nakasungkit sana siya ng medalya kung hindi lang siya nag-land sa labas ng mat.

Umaasa naman si Yulo na meron pa siyang igagaling sa mga international competitions sa hinaharap.

Ibinahagi naman ni Yulo na hindi muna siya makakauwi sa Pilipinas dahil meron pa siyang kompetisyon na sasalihan.

Ang tinutukoy ni Yulo ay ang All-Japan Seniors na gaganapin sa susunod na buwan.