CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 2 bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon
Sa ipinalabas na Case bulletin report ng DOH Bicol, ang mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Labo at Vinzons.
Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay may kabuuang bilang na 1,247 at mula sa naturang bilang 311 ang aktibong kaso, habang nanatili naman sa 881 ang bilang ng mga nakarekober at 55 ang bilang ng mga nasawi sa sakit
Kaugnay nito, sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa Camarines Norte umaapela ang IMT sa publiko na bigyang importansya ang pagsunod sa minimum health protocols na ipinapatupad, Kasabay ito ng pagbuo ng mas epektibo pang stratehiya sa posibilidad na makapasok ang Delta Variant sa lalawigan
Ang mga local enforcers sa lalawigan ay magkakatuwang na nagpapatupad ng Oplan Sita upang tingnan kung nakakasunod ang mga pribado lalo na ang pampublikong sasakyan sa umiiral na health protocols.
Sa gitna na rin ito ng pagpaaalala ng DOH na sinabing “best preventive measures” pa rin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards laban sa pag mutate ng virus.

