Koronadal, magbibigay ng tulong sa Bicol Region

Magbibigay ng pinansiyal na tulong ang City Government ng Koronadal para sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Nabatid na nasa P500,000 ang inaprubahan ng City Disaster Risk Reduction Management Council sa isinagawang emergency meeting ng naturang konseho.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Inihayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Cyrus Jose Urbano na ipadala ang naturang na halaga pagkatapos ng Undas dahil patuloy pa ang pagproseso nito.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Samantala, partikular naman na makatatanggap ng tulong ay ang mga unit ng LGU ng Bicol na nagdeklara ng “state of calamity” at halaga na kanilang matatanggap ay nakadepende sa damage ng bawat area ng kanilang lugar.