Umabot na sa 1,038,729 ang naipamahagi na Family Food Packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalanta ng kambal na Bagyong Kristine at Leon.
Ayon sa DSWD, pinakamalaki na ang nailaan sa Bicol Region na umabot sa 375,480 food packs.
Sinundan ito ng CALABARZON at Central Luzon na mahigit 100,000 FFPs ang naipamigay.
Samantala, dumating na rin ang 5,500 na kahon ang naipadala sa isla ng Batanes na inihatid ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG).
Patuloy namang naka-monitor ang ahensya sa higit 50,000 pamilya na nananatili pa rin sa mga evacuation centers.