Bilang ng mga manlalakbay sa Undas 2024, tumaas kumpara sa nakaraang taon

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 167,538 na pasahero ang naitala noong Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Ito ay nag-resulta ng 12% na pagtaas mula sa 149,257 na pasahero noong nakaraang taon.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Bago pa lamang sumapit ang All Saints’ Day ay nakapagtala na ang BI ng 41,078 ang mga dumating sa bansa habang 43,341 ang mga umalis.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Sa ngayon, nagpapatuloy ang ahensya sa pagbabantay sa mga paliparan at gumagamit ng electronic gates upang mabilis na ma-monitor ang mga manlalakbay.