Quad Comm, tinutukan ang mga biktima ng war on drugs sa Duterte Administration

Binigyang-diin ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez na muling nagpatibay ang Quad Committee ng kanilang commitment na magbigay hustisya sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa madugong kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyong Duterte.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Fernandez, tungkulin nilang tiyakin na ang mga kwentong kanilang narinig mula sa biktima ay hindi malilimutan.

Aniya, napag-alaman nilang mahigit 6,000 ang mga nasawi kung saan tinatayang mas mataas pa ito ayon sa Human Rights Groups.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dagdag pa nito, na ang ebidensya ay nagpapakita ng pangangailangan para sa hustisya at pagbabalik ng tiwala sa institution.

Nakatakda naman ang susunod na pagdinig ng Quad Comm sa Nobyembre 6.