Bilang ng pasahero sa mga pantalan ngayong araw – pumalo na lang sa halos 90K

Pumalo na lamang ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw sa halos 90,000 milyong indibidwal.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 38,760 ang mga inbound passengers habang 50,553 ang outbound passengers.

Umabot naman sa 3,803 ang na-deploy na mga personnel ng PCG sa iba’t ibang pantalan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nakapagtala rin umano ng 934 inspected vessels habang 986 motorbancas ang na-inspeksyon.