Mt. Kanlaon – tuloy-tuloy pa rin sa mga degassing activities; Volcanic earthquakes nito, bumaba

Tuloy-tuloy pa rin sa mga degassing activities ang Kanlaon Volcano, ngayong araw.

Sa latest advisory ng PHIVOLCS – bumababa sa 31 volcanic earthquakes ang naitala nito kumpara sa 84, kahapon.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Nakapagbuga rin ito ng sulfure dioxide na tumaas sa 6,993 mula sa 5,866 tonelada.

Sa isa namang timelapse video na nakuhaan sa Canlaon City Observation – makikita ang tatlong ‘ashing events’ ngayong umaga.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Nagtagal ito ng hanggang 12 minuto, at nag-generate ng gray plume na umabot sa 400 metro ang taas.

Sa ngayon – nananatili sa alert level 2 ang bulkan.