Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang namumuro sa mga motorista ngayong darating na Martes.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Rodela Romero – posibleng bumaba ng P0.10/L hanggang P0.30/L ang presyo ng gasolina sa unang linggo ng Nobyembre.
Sa kerosene – may tinatayang umento mula P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Maaari ring tumaas ng P0.50 hanggang P0.75 ang presyo ng diesel.
Araw ng Lunes ia-anunsyo ang huling price adjustment, habang magiging epektibo ito sa araw ng Martes.