Camarines Sur, isasailalim sa state of calamity

Kinumpirma ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte na nakatakdang isailalim sa state of calamity ang probinsya dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon kay Villafuerte, 85 percent ng mga barangay sa Camarines Sur ang apektado ng pagbaha dulot ng bagyo.

Kabilang aniya sa mga matinding binaha sa ikalawang distrito ang mga bayan ng Milaor at San Fernando.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ipinanawagan din ng kongresista ang karagdagang rubber boats mula sa national government para sa rescue operations.

Paliwanag ni Villafuerte, bagama’t sanay na sila sa bagyo at dalawang araw pa lamang ay pinalikas na ang mga residente, may mga nangangailangan pa rin ng tulong lalo na kung magpapatuloy ang malakas na ulan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Bukod dito, inihayag ng mambabatas na limitado lamang ang rubber boats ng regional, provincial at municipal government samantalang napupuno na ang evacuation centers sa maraming lugar sa Bicol.

Nagpasalamat naman si Villafuerte sa maagap na paghahatid ng relief goods ng Department of Social Welfare and Development sa evacuees.