Klase bukas sa Luzon, inirekomenda ng DILG na suspendihin dahil sa Bagyong Kristine

Inirekomenda na ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga Local Government Unit (LGUs) sa buong Luzon ang pagsususpinde ng klase ngayong araw hanggang bukas, October 23 dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Read More:  29 Filipinos involved in Bavaria bus accident return to Milan

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Remulla na kasama sa rekomendasyon nya na mag suspendi ng pasok sa lahat ng antas, public and private.

Read More:  Philippines emerges as one of Asia-Pacific’s rising tourism forces — WEF

Tiniyak din ng kalihim na handa na ang pamahalaan sa magiging epekto ng bagyo.