Kinumpira ng Commission on Elections (COMELE) na 62 na ang mga nagparehistro ng kanilang social media account na gagamitin para sa kampanya sa darating na 2025 midterm elctions.
Ito ay kasunod ng mandato ng komisyon na lahat ng kandidato, partylist at ang kanilang campaign team ay kailangang magparehistro ng kanilang official social media accounts, pages, websites, podcast, blogs, vlogs at iba pang internet-based campaign platforms.
Pangungunahan naman ng Task Force sa Katotohanan, Katapatan, at Katarungan (KKK) sa Halalan ang pagrereview at pag-eendorso ng mga account para sa approval ng COMELEC en banc.
Kung maaalala, kahapon ay lumagda na ng pledge of support ang kinatawan ng ilang social media platforms bilang pakikiiisa sa darating na eleksyon.