Petecio wagi sa preliminary round sa Women’s Boxing sa Tokyo Olympics

Wagi sa kanyang unang laban sa Tokyo Olympics ang pambato ng Pilipinas sa Women’s Featherweight (54kg-57kg)na si Nesthy Petecio.

Tinalo ni Petecio si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of Congo sa pamamagitan ng unanimous desicion.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Naging mabagal man ang simula ni Petecio sa 1st round pero bumawi naman ito pagdating sa 2nd at 3rd round kung saan ang tuluyan nitong dinomina ang kalaban sa pamamagitan ng malalakas na kombinasyon.

Dahil sa panalo, abanse na si Petecio sa Round of 16.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Bukas sasabak naman ang isa pang Pinay Boxer na si Irish Magno sa Women’s Featherweight (54kg-57kg) kung saan makakaharap nito si Christine Ongare ng Kenya.