Binata, hinataw sa ulo at kinuhanan ng pera, cellphone- report

Nagpa-blotter sa Quezon PNP ang binata matapos makaranas umano ng pangha-harass sa Underground 1, Barangay Alfonso XIII Quezon, Palawan noong gabi ng Sabado, ika- 19 ng Oktubre 2024.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Kwento ng biktima na si alyas “Toks”, naglalakad siya noong gabing iyon malapit sa kanilang tinitirhan nang makasalubong niya ang limang ka-tao na may kasamang babae.

Pag-lagpas daw sa kanilang bahay ay doon na siya hinataw ng kahoy sa ulo ng isang beses, bago kinuha sa kanya ang P5, 000 at cellphone.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Samantala, ipinaubaya ng Quezon PNP sa barangay ang insidente para maimbestigahan.