DSWD, naka-alerto na para sa epekto ng Bagyong Kristine

Nasa alert status na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda sa Bagyong Kristine.

Ipinag-utos ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pagiging alerto ng Disaster Response Management Group (DRMG), gayundin ang kahandaan sa pamamahagi ng tulong sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na inaasahang maaapektuhan ng bagyo.

Read More:  House prosecutors drop bribery charge against Sara Duterte

Ayon kay Gatchalian, dapat matiyak na ang nakaimbak na pagkain ay ‘in full strength’.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Kaugnay nito, sinabihan na rin ng kalihim ang National Resource Operations Center (NROC) na mag-double time para sa pag-e-empake ng food packs.