DSWD: P160M, naipagkaloob sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo

Umabot na sa P160.5 milyong halaga ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyo sa bansa.

Ayon sa DSWD, nasa 536,000 na pamilya o 1.8 milyong indibidwal na ang naapektuhan ng mga nakalipas na kalamidad.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Nasa 532 umano na mga bahay ang nawasak habang 4,133 naman ang bahagyang napinsala.

Samantala, mayroon pang 2.9 bilyong halaga na available resources ang ahensya upang makapagbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa ngayon, naghahanda na ang DSWD para sa inaasahang epekto ng bagong bagyo na Kristine.