Grupong 1Sambayan, iba pa – naghain ng petisyon sa korte suprema para kwestiyunin ang paglilipat ng sobrang pondo ng Philhealth sa National Treasury

Naghain ng petition for certiorari and prohibition ang 1SAMBAYAN Coalition, mga miyembro ng UP Law Class 1975, at iba pang indibidwal, para hilingin ang pagpalabas ng temporary restraining order para tutulan ang paglipat ng 89.9 billion pesos na labis na pondo ng Philhealth sa National Treasury.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ayon kay Former Supreme Court Associate Justice Tony Carpio, direktang paglabag ang paglipat ng budget para pondohan ang unprogrammed appropriations.

Umaasa ang grupo na kapag naglabas ng TRO ang korte suprema mahihinto rin ang mga umano’y dangerous budget practices ng gobyerno.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Hindi rin anila ito usapin lamang ng kasulugan kundi usapin sa tamang paggastos ng pera ng taumbayan.

Ngayong araw ang ikatlong tranche at nakatakdang maglipat ng P30 billion pesos ang Philhealth sa National Treasury.