DMW at TESDA – nagkasundo para palakasin ang kasanayan ng mga OFWs

Nagkasundo ang Department of Migrant Workers (DMW) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mapahusay ang kasanayan at employability ng mga Overseas Filipino workers (OFWs).

Pinangunahan nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at TESDA Director-General Jose Francisco Benitez ang pirmahan kung saan inilabas ang 249 scholarship training certificates para sa mga napiling benepisyaryo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay Cacdac, layunin umano ng kasunduan na tulungan ang mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng training programs at scholarship grants.

Ang DMW ay magsusulong ng mga training programs, habang ang TESDA ay magbibigay ng skills training at certification para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa huli, tiniyak ni Cacdac na aalagaan ang kapakanan ng pamilya ng mga OFW, ayon sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.