Malacañang – suportado ang imbestigasyon sa ‘high-profile killings’ sa drug war

Suportado ng Malacañang ang plano ng Philippine National Police (PNP) na muling buksan ang imbestigasyon hinggil sa mga opisyal na napatay sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Kaugnay ito sa mga naging rebelasyon ni dating PCSO Chairman Royina Garma na di umano’y may aktibong pulis na sangkot sa pagpatay noon kay Tanuan City mayor Antonio Halili.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang naturang hakbang ay patunay ng mataas na halaga na ibinibigay ng Marcos administration sa makatarungang pagpapairal ng hustisya at pagtiyak na umiiral ang rule of law sa bansa.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Maliban kay Halili, kabilang din sa sinasabing mga high profile killings na related umano sa war on drugs ay ang kaso ng pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa, Ozamis city Mayor Reynaldo Parojinog.