17 dayuhan na sangkot sa large scale online scamming activity, arestado sa Makati City

Nasakote ng National Bureau of Investigation ang 17 dayuhan na sangkot sa large-scale online scamming activities.

October 11, sa bisa ng search warrant, pinasok ng NBI-Cybercrime Division ang isang apartment sa Tejeros, Makati City kung saan nadiskubre nila ang mga desktop, laptop, at mga cellphone na ginagamit nila sa ilegal na operasyon.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches
Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

15 sa mga naaresto ay Chinese, isa ang Malaysian, at isa ang Taiwanese.

Kakasuhan sila ng Anti-Financial Account Scamming Act at Cybercrime Prevention Act of 2012.