DSWD – tiniyak na ‘di mapulitika ang ayuda programs

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon silang mga pamamaraan para hindi mapulitika ang iba’t iba nilang programang pang-ayuda.

Kung maaalala kasi – bigong makalusot ang hiling nilang buget sa Senado dahil naungkat ang ‘di umano’y pamumulitika sa ilang political programs sa ibang rehyon sa bansa.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao – sinabi nitong may sapat na batayan sila sa beneficiaries, pero hindi naman nangangahulugang namimili sila ng matutulungan.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sa huli, dapat umanong mabatid ng publiko na galing sa kaban ng bayan ang mga ayuda, at hindi sa sino mang pulitiko.