Bong Go – handang humarap sa Quad Comm

Tiniyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa naging ambush interview na handa siyang maghain ng resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang naging ‘war on drugs’ sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Kasunod ito sa kabila’t kanan na alegasyong nagsisilabas hinggil dito katulad ng di umano’y pagkakaroon ng ‘reward system’.

Dagdag pa niya, maari rin magsilbing parallel investigation ang pagdinig dito upang matukoy ang tunay na naidulot ng pagpapatupad nito sa mga Pilipino.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Bilang nais din umano niyang malaman ang buong katotohanan sa likod nito, handa siyang dumalo sa pagdinig ng Quad Comm sa anumang oras bagamat batid niyang mayroon silang pinapahalagahang interparliamentary courtesy.