Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga administrative charges laban kay dating Health Sec. Francisco Duque III.
Hinggil ito sa kontraberyal na P41 bilyon budget na pinambili umano ng COVID-19 supplies at COVID kits noong panahon ng pandemya.
Ito’y matapos na pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque.
Samantala, nitong Agosto ay pumayag na ang Ombudsman na hindi na maaaring maging subject ng administrative complaints ang dating kalihim ng DOH.
Read More: Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe
Paliwanag ng Ombudsman matagal nnang tapos ang termino nito bilang kalihim ng ahensya kaya hindi na siya pwedeng maging subject para sa administrative complaints.