Sen. Hontiveros – huling pagdinig na sa POGO sa susunod na linggo//Senado, tinatapos na

Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na huling pagdinig na sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa susunod na linggo.

Ito ay matapos magdesisyon ang Senate panel na ito na ang huling POGO hearing.

Kaugnay nito, umaasa silang makadadalo si Lyu Dong sa susunod na pagdinig upang linawin ang kanyang koneksyon kay Alice Guo.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Kung maaalala, si Lyu Dong umano ang big boss ng Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga na naaresto sa Laguna.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (AOCC), si Lyu Dong ay isa sa mga unang POGO bosses sa bansa.

Tiniyak naman ni Hontiveros, na sa susunod na linggo ay masusing titignan ng Senado ang mga tanong kay Lyu Dong at iba pang resource person.