DA – inalis na ang ang temporary ban sa pag-import ng mga kambing mula US

Maaari nang mag-angkat ng buhay na kambing mula sa Estados Unidos.

Ito ay matapos alisin ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang ban.

Naipatupad ang ban dahil sa pagkaka-discover ng Q fever sa ilang imported na kambing, na nagresulta sa pag-dispatch ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mahigit limang dosenang kambing upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., binawi ang kautusan matapos matiyak ng Department of Health (DOH) na hindi na ito nagdudulot ng malaking banta sa kalusugan ng publiko.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Samantala, nagpatupad naman ang BAI ng mas mahigpit na hakbang, kabilang ang pagsasaayos ng mga pre-border measures para ma-control ang posibleng pagkalat ng sakit.