Pasang Masda, muling iginiit na dapat nang pag-aralan ang Oil Deregulation Law

Ikinalulungkot ng grupong Pasang Masda ang nakaambang malakihang taas-presyo ng produktong petrolyo – bagay na lubhang makaaapekto sa transport sector, at maging sa mga pribadong may-ari ng sasakyan.

Ayon kay Pasang Masda national President Obet Martin, ang idinadahilan na naman dito ay ang nangyayaring gulo sa Lebanon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dahil dito, kinekwestyon nila kung nasaan ang buffer stock ng pamahalaan, at kung bakit hindi repasuhin ang Oil Deregulation Law.

Aniya, matagal na nilang sinasabing pag-aralan ang naturang batas na siyang magbibigay ng hudyat sa mga provider na pwede silang magtaas.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dapat din umanong pag-aralan ang lahat ng probisyon nito lalo pa’t nung ginawa ang batas, hindi nakonsulta ang transport sector.

Sa huli, mariing sinabi ni Martin na kung halos tatlong piso ang dadag-presyo sa produktong petrolyo, malaki ang mawawala sa kanila.