2 Pinay na Caregiver sa South Korea, arestado

Inaresto ang dalawang Pinay na Caregiver sa South Korea.

Ito ay matapos nilang iwanan ang kanilang mga amo at lumipat sa ibang trabaho.

Ang dalawang inaresto ay kasama sa 100 caregivers na bahagi ng six-month pilot program sa pagpapadala ng Pilipinas ng mga caregiver sa South Korea.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ang kanilang pagtakas ay nangyari noong magkaroon ng holiday break kung saan umalis sila at hindi na bumalik.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nahuli naman ang dalawang Pinay sa bago nilang trabaho bilang cleaner.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Busan Immigration Authorities (BIA) ang dalawa habang nagbigay naman ng legal na tulong ang Department of Migrant Workers (DMW).