COMELEC – tiniyak na may mananagot sa nangyaring barilan sa COC filing sa Shariff Aguak

Hindi babalewalain ng Commission on Elections (COMELEC) ang insidente ng barilan sa kasagsagan ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Shariff Aguak.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na pananagutin nila ang nasa likod ng nangyari.

Aniya, maghahain sila ng kaso hinggil sa bagay na ito dahil hindi ito maaaring palampasin.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Pagtitiyak pa ng poll body chief, hindi nila hahayaan na masaktan at manganib ang buhay ng mga local COMELEC officers.