Partido ng isang labor group – itinangging inendorso nila si Quiboloy

Nanindigan ang labor leader at abogadong si Sonny Matula na hindi ito lumagda sa anumang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) para kay Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos siyang tanungin sa social media hinggil sa pagkakaugnay niya sa signing ng CONA ni Quiboloy sa ngalan ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP).

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Sa social media na X, iginiit ni Matula na hindi niya alam kung sino ang lumagda sa CONA.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Aniya, tanging tatlong indibidwal ang otorisadong lumagda para sa WPP – ang Chair, ang President, at ang Senior Vice President.

Bilang presidente, masasabi niya umanong hindi siya lumagda sa naturang certification para kay Quiboloy.