She Zhijiang, labas-pasok ng bansa

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na maraming beses nang bumyahe sa Pilipinas ang self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang.

Si She na gambling tycoon na kasalukuyang nakakulong sa Thailand ay nirecruit ng China noong 2016 para maging espiya.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

At noong panahong yon ay nandito siya sa Pilipinas at itinuturing na pugante ng China dahil sa pag-ooperate ng ilegal na POGO.

Read More:  VP Sara Duterte files new perjury complaint against Ramil Madriaga

Ayon sa BI, 2020 nang huling lumabas si She ng Pilipinas at 21 beses itong naglabas-masok ng bansa simula pa noong 2011.

Lumabas rin sa imbestigasyon ng BI na napagkalooban pa si She ng working visa.