Welcome back concert ng 2NE1, dinagsa ng fans at big stars

Naging mainit ang pagsalubong ng mga fans sa pagsisimula ng reunion tour ng legendary Kpop girl group na 2NE1 sa South Korea.

Pumalo sa 12,000 ang nanood sa three days welcome back concert ng 2NE1 sa Olympic hall sa Seoul at bukod sa mga loyal Blackjacks spotted din ang ilan pang big stars kabilang na riyan sina Blackpink Jenny, Stray kids, at New Jeans.

Read More:  “Let us heal”: Elijah Canlas speaks out on breakup with Miles Ocampo
Read More:  Sachzna Laparan breaks silence on ‘Miss Flawless’ controversy; Angelica Jones calls for apology

Sa Nobyembre 16 naman nakatakdang bumisita sa bansa ang 2NE1 para sa Manila tour.

Ang 2NE1 ay binubuo nina Park Bom, Sandara Park, CL, at Minzy.