25,000 kilo ng sibuyas galing China, naharang ng BOC

Hindi nakalusot sa Bureau of Customs-Port of Manila ang dalawang milyong pisong halaga ng sariwang sibuyas galing China.

Kinumpirma ng BOC na kulang ito ng mga dokumento mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI), na humantong sa pagpapalabas ng Warrant of Seizure and Detention.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar
Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Ayon kay District Collector Rizalino Jose C. Torralba, sumasalamin ang inspeksyon sa kanilang pangakong pangalagaan ang kalusugan ng publiko at industriya ng agrikultura.