Binawian ng buhay ang isang streetsweeper sa matapos saksakin sa Barangay Batasan Hills Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Catherine Madrid na abalang naglilinis ng kalsada na may utang umanong P400 piso sa tubig sa suspek.
Nag-usap muna ang dalawa ngunit hindi nagtagal ay inundayan na ng saksak ng lalaking suspek ang biktima.
Naisugod pa sa ospital si Catherine, ngunit ideneklara itong dead on arrival habang nakakulong na 76-anyos na suspek sa tanggapan ng QCPD.