Ikinatuwa ng mga netizens ang anunsyo ng mag-asawang vlogger ng Team Payaman na si Cong at Viy Velasquez na magkakaroon na sila ng second baby.
Sa vlog ni Cong na may title mna “Biglaan” ay umusbong ang hinala na buntis ang asawa nito dahil dinala pa ito ni Cong sa Taiwan para sa cravings nitong ramen.
Hindi naman nagtagal ay nag-upload na rin s Viy ng kanyang video na may pamagat na “PLASTWO”.
Sa kabila ng pagkagulat ay natuwa rin ang mga fans ng dalawa sa kanilang second-baby announcement na matagal na tila matagal ng hinihintay ng mga fans.
Kung maaalala, June ngayong taon ng ikinasal ang dalawa at sinabing gusto na ring sundan ang kanilang panaganay na si Kidlat.