Carlos Yulo, kasapi na ng Philippine Navy Reserve Force

Kasapi na ng Philippine Navy Reserve Force si two-time Olympic gold medalist, Petty Officer 1st Class (PO1) Carlos Edriel Yulo PN (Res)

Ayon kay Yulo, ang pagkakatalaga sa kanya bilang Navy reservist ay isang pagkilalang hindi niya inaasahang makakamit niya sa kanyang buhay.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Umaasa ang atleta na sa pamamagitan ng sports, maipapakita niya sa mga kabataaan na kaya nilang magsilbi sa bayan.

Samantala, sa mensahe naman ni Philippine Navy Flag officer-in-command Toribio Adaci Jr., tiwala siyang gaya ng naipamalas ni Yulo sa sports ay makakasama ito sa hanay ng mga indibidwal na iniaalay ang kanilang sarili para sa bayan.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Ginanap ang seremonya kahapon sa Phil. Navy Headquarters sa Maynila.