DA – tiniyak na walang taas-presyo ng bigas sa kabila ng paghagupit ng Bagyong Julian

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging biglaang pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng posibleng epekto ng Bagyong Julian.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahigpit nilang binabantayan ang epekto ng bagyo sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Aniya, sapat ang suplay ng lokal at imported na bigas kaya hindi inaasahan ang biglaang pagtaas ng presyo.

Samantala, umaasa silang mapanatili ang pinsala sa produksyon ng palay sa inaasahang antas na 500,000 hanggang 600,000 metric tons (MT) taun-taon.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa ngayon, umabot na sa 420,000 MT ang pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño at iba pang kalamidad mula Enero ngayong taon.